5 Talata sa Bibliya tungkol sa Kawalang-Pagasa, Halimbawa ng

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Exodo 14:15

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bakit humihibik ka sa akin? salitain mo sa mga anak ni Israel na sila'y magpatuloy na yumaon.

Josue 7:7-9

At sinabi ni Josue, Ay, Oh Panginoong Dios, bakit mo pinatawid ang bayang ito sa Jordan, upang ibigay kami sa kamay ng mga Amorrheo, na ipalipol kami? nakatigil sana kaming masaya at nakatahan sa dakong yaon ng Jordan! Oh Panginoon, anong aking sasabihin pagkatapos na ang mga anak ng Israel ay makatalikod sa harap ng kanilang mga kaaway! Sapagka't mababalitaan ng mga Cananeo at ng lahat na nananahan sa lupain, at kami ay kukubkubin at ihihiwalay ang aming pangalan sa lupa: at ano ang iyong gagawin sa iyong dakilang pangalan?

Awit 42:6

Oh Dios ko, ang aking kaluluwa ay nanglulumo sa loob ko; kaya't aking inaalaala ka mula sa lupain ng Jordan, at ng Hermonitas, mula sa burol ng Mizhar.

Jonas 4:8

At nangyari, nang sumikat ang araw, na naghanda ang Dios ng mainit na hanging silanganan; at sinikatan ng araw ang ulo ni Jonas, na anopa't siya'y nanglupaypay, at hiniling niya tungkol sa kaniya na siya'y mamatay, at nagsasabi, Mabuti sa akin ang mamatay kay sa mabuhay.

Lucas 24:13-17

At narito, dalawa sa kanila ay naparoroon nang araw ding yaon sa isang nayong ngala'y Emaus, na may anim na pung estadio ang layo sa Jerusalem. At kanilang pinaguusapan ang lahat ng mga bagay na nangyari. At nangyari, na samantalang sila'y naguusap at nagtatanongan, na si Jesus din ay lumapit, at nakisabay sa kanila.magbasa pa.
Datapuwa't sa mga mata nila'y may nakatatakip upang siya'y huwag nilang makilala. At sinabi niya sa kanila, Ano ang mga salitaan ninyong ito sa inyong paglalakad? At sila'y nagsitigil, na nangalulumbay ang mga mukha.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a